14 na mga Tema ng Portpolyo ng Potograpiya para sa WordPress
() translation by (you can also view the original English article)
Sa napapanahong pagsasama-sama, titingnan natin ang ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang kapag gumagawa ng online na portpolyo ng potograpiya sa WordPress. Susuriin natin ang walong mga paalaala at ideya kasabay ng pagtingin sa ilang pinakamabentang tema mula sa Envato Market upang makatulong sa pagpapakita ng bawat punto. Sabihin ang cheese!
Napapanahon?
Tama yan. Ang artikulong ito ay unang nalathala noong Marso 2016, ngunit nagbabago ang panahon, may mga bagong tema na inilulunsod upang ibenta, kaya tinanggal namin ang mga tema na hindi na magagamit at nagdagdag kami ng walong mga bagong halimbawa upang mapanatiling napapanahon ang mga bagay.
1. Ipakilala ang Iyong Sarili
Ang emosyonal na disenyo ay malaki ang kahalagahan sa web; dagdagan ng pantaong elemento ang iyong portpolyo at ang iyong mga panauhin ay malamang makaugnay sa gawaing ipinapakita mo sa kanila. Siguraduhing alam nila kung sino ang pinakikitunguhan nila, kung sino ang responsable sa mga larawan, at kung kanino nila kailangang makipag-ugnayan kung nais nilang malaman ang higit pa.
Ang Responsive Photograpy Theme ng ThemeGoods ay nag-aalok ng layout ng homepage na nagagawa talaga ito ng maayos. Ang iyong pangalan, ang iyong lagda, ang kaugnayan sa pagkatao - harapan at gitna.



Ang tema ng Holver na portpolyo ay ginagawa ang mga bagay sa pamamaraang medyo mas maliit ang pagpapahalaga, ipinakikilala ang tao na pinag-uusapan sa minimalistang kaugalian. Perpekto para kay Adele.



2. Hayaang ang mga Larawan mo ang Magsalita
Mahalaga na walang makaabala sa mga panauhin mula sa potograpiya na iyong inihaharap Huwag tabunan ang iyong kahanga-hangang larawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay at palalimbagan na may nagpapasukong katangian.
Ang Grand Portfolio ay may iba't ibang pagpipilian ng layout ng pahina, kasama na dito ang bersyon na split screen na pinapabayaang ang mga larawan ang gumawa ng lahat ng mabigat na pagbubuhat.



3. Isaalang-alang ang Iyong Target na Tagapanood
Nagpapakadalubhasa ka ba sa mga tanawin? Pagkuha ng larawan sa gabi? Larawan ng mga Produkto? Maaaring kumukuha ka ng mga larawan sa mga kasalan, o kaya ginagawa mong negosyo na gawing kamangha-mangha ang mga alagang hayop? Anuman ang angkop sa iyo, siguraduhing ang koleksyon mo ay nagpapakita ng kung ano ang iyong ginagawa at ang iyong portpolyo sa website ay naghahatid ng kalooban na nais makita ng iyong mga potensyal na kliyente.
MIES, isang “avant-garde architecture WordPress theme”, ay ibinagay sa (hulaan niyo) pagkuha ng larawan ng arkitektura. Nagpapakita ito ng mga larawan na full screen, kasama ng ibang mga thumbnail at komentaryo mula sa ibang proyekto.



Ang Illume ay tinawag na “romantic photography WordPress theme”, at ito ay naaangkop sa nasabing titulo sa lahat ng aspeto. Sa banayad na mga kulay nito, maselang uri, at mga makabagong layout, ang temang ito ay perpektong naglalayon sa namumuong mga pareha na ikakasal.



4. Bigyan ang Iyong mga Larawan ng Konteksto
Tinalakay natin ang pagtuklas ng balanse, kung saan ang mga portpolyo ay mukhang mahalaga ngunit hindi ito humaharang sa konteksto. Gayunman, minsan kailangang bigyan ang iyong mga larawan ng higit pang konteksto, sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga ito gamit ang paglalarawan sa pangkinaugaliang pamamaraan, at marahil sa dagdag na mapagkukuhanan katulad ng kwento, detalye ng lugar, etc. Gamitin ang potograpiya sa paglalakbay at pakikipagsapalaran bilang halimbawa. Ako ay malaking tagahanga ng mga magasin katulad ng www.sidetracked.com at www.thefieldmag.com na ang magagandang mga larawan ay mawawalan ng kapangyarihan kung wala ang kasamang mga sanaysay.
Bakit hindi subukan ang isang bagay na katulad, gamit ang Clean Photo - isang tema na magasin ang estilo mula sa wphunters?



Maganda ang ginawang trabaho ni Jo na pagdadala ng halos makalumang format ng blog na may kasamang portpolyo ng potograpiya. Mga larawan at pagkukwento, perperkto.



5. Mahalaga ang Pagsasakatuparan
Sinasabi namin ito halos araw-araw sa Envato Tuts+ Web Design; mahalaga talaga ang pagsasakatuparan. Ang portpolyo ng potograpiya ang binibigyang-pansin natin dito, kaya may mataas na panganib ng mabagal na paggawa, mahirap pakitunguhang mga hayop, pinabigat ng mabibigat na mga larawan at ibang mahahalagang mga bagay.
Siguraduhing natsek kung paano isakatuparan ang demo ng tema; isang bagay katulad ng Ronneby (umaangking “High-Performance WordPress Theme”) na gumagawa ng maayos sa labas ng kahon.



Ang pagsusuri sa Pingdom ay nagbigay dito ng 84 sa 100; ang homepage ay nagloload nang mas mabilis sa tatlong segundo.



Sa pagsasabi nito, ang mga bagay ay maaari pang mas mapabuti sa 2.9Mb, kaya ito ay laging nasa iyo upang gawin ang iyong pinakamahusay at panatilihing maayos ang iyong website sa WordPress. Subukang gamitin ang:
- Caching, sa WP Super Cache halimbawa
- Isang Content Delivery Network tulad ng CloudFlare
- Image compression (WP Smush ay napakahusay na libreng plugin)
Isa pang maayos ang pagpapalabas ng tema ay ang Dani, na nagkamarka ng katulad ng Pingdom.



Natalo ang Dani ng ilang puntos dahil sa kakulangan sa cacheing ng browser, hindi magkadugtong na mga file ng JavaScript, at iba pang detalye, ngunit sa oras ng pagload na 1.2 segundo ang bilis nito ay nararapat bigyan ng pagkilala.



6. Panatilihin itong Naibabagay sa mga Pangyayari
Ang paghihiwalay ng kaayusan mula sa gamit (sa pamamagitang ng pagpapahintulot sa mga files ng tema na magpangyari sa hitsura ng mga bagay, habang ang plugins ang bahala sa panloob na mga gawain) ay isang mahalagang aspeto ng kalidad ng mga tema sa WordPress. Kapag hindi ito umayon maaaring hindi sinasadyang nailock ang nilalaman sa isang tema, hindi mapalitan sa hinaharap nang walang masikot na pagsasama ng data.
Ang Cr3ativThemes ay isang banda ng mga developer ng tema na iginigiit na panatinilihing magkahiwalay ang mga bagay. Heto si Rare, ang kanilang tema na Material Design ay maaaring bumagay ng tama sa pangangailangan mo sa portpolyo sa potograpiya.



7. Samantalahin ang Hi Resolution
Sa maraming mga aparato na nag-aalok ng hi-res na mga screen (tulad ng retina), may magandang pagkakataon na makita ng iyong mga bisita ang iyong ginawa sa kasiya-siyang detalye. Samantalahin ang teknolohiya at pumili ng tema na magpapakita ng malaki, hi-res na mga larawan (bagaman magbigay sa mga gagamit ng pagpipilian sa pagtingin sa malaking file, huwag basta itapon ito sa kanilang bandwidth nang hindi nagtatanong).
Isaalang-alang din na magkaroon ng lokal na kopya ng iyong portpolyo sa iyong makinarya. Dalhin ang iyong laptop sa mga pakikipanayam, at sa pagkakataon na walang internet o mahina ang wifi, maipakikita mo pa rin ang iyong ginawa nang may estilo. Ang WP Migrate DB Pro ay isang subok na at pinagkakatiwalang paraan ng pagpapanatili na nasa tamang sync ang iyong local at mga production website.
Ang SOHO ay isang matinding tema na nagpapakita ng mga larawan at video, sa isang makintab na fullscreen na kapaligiran.



Inilabas lamang ngayon (ika-25 ng Oktubre) ang Umbrella ay tatama direkta sa iyong mukha sa hi-res na presentasyon nito.



8. Huwag Kalimutan ang Pangunahing Layuni
Unang-una, bakit mo ba inilalagay online ang iyong portpolyo? Ito ba ay upang makakuha ng mga kliyente, o para lamang bukas ang iyong portpolyo sa pagbrowse ng kung sino mang makakita nito? Sa alinmang paraan, panatilihin mo ang pangunahing layunin sa iyong isipan. At kung ang iyong portpolyo ay upang makakuha ng mga kliyente, siguraduhing alam ng mga panauhin kung paano makikipag-ugnayan kung sakaling pakiramdam nila ay mapipilitan sila!
Isinama ni Wolfe ang footer na nagtataglay ng lahat ng klase ng mga communication channel, upang siguraduhin lamang na maaabot ng mga tao.



At isinama din ni Malmo ang malinis na contact form sa footer.



Tapos na
Sana ang mga tip at tema na ito ay nagbigay sa inyo ng ilang inspirasyon para sa inyong sariling portpolyo ng potograpiya sa WordPress. Kung mayroon kayong ibang saloobin, ipaalam ninyo sa amin sa comments!