Unlimited Wordpress themes, plugins, graphics & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Web Design
  2. WordPress Themes
Webdesign

Pinakamagaling na WordPress Magazine Themes: para sa Blog at Websites ng Balita

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Pagdating sa websites ng magazine at balita, ang WordPress ang pinaka sikat.

Ang mga kilalang sites para sa balita katulad ng The New York Times, TechCrunch, CNN, Mozilla’s Blog, at marami  pang iba ay gumagamit ng WordPress bilang kanilang napili, na binibigyangs - diin kung gaano kabilis baguhin ang WordPress blogs.

Ang pagpili ng pinaka-akmang WordPress theme para sa iyong magazine website o news blog ay maaaring mapanlinlang nang higit sa iyong inaasahan. Bilang publisher titingnan mo iyong maipapakita ang malaking bahagi ng content sa isang screen, at gayon din gusto mong ang iyong content ay accessible at magandang tingnan para magkaroon ng user engagement.

Pinakamagaling na WordPress Magazine Themes

Para makatulong naghanda kami ng listahan ng nangungunang WordPress magazine Themes sa ThemeForest. Ang listahang ito ay nabago na mula ng unang nitong paglalathala, kung kaya mas alamin pa ito at tingnan kung ano ang bago!

1. Barcelona

Ang Barcelona ay malinis na magazine theme na may sharp edges, bold whitespace, at high contrast (kung saan mas maganda para sa mga nagbabasa na may problema sa paningin). Ipinagyayabang nito ang “labing isang iba’t ibag page modules na may anim na iba’t ibang featured post styles” –tingnan ang demos para makita kung paano ito gumagana.

Barcelona - Clean News Magazine WordPress Theme
Barcelona - Malinis na News at Magazine WordPress Theme

2. BoomBox

Kilala bilang “maraming gamit na viral magazine theme” Ang BoomBox ay sadyang malakas na puno ng feautures para sa iyong napapanahong website. Naglalathala ng mga kwento sa balita, listicles, maikling pagsusulit, at ipasok ang mga ito sa karaniwang social sharing culprits – at gamitin ang trending, mga reaksyon, at sistema ng pagboboto. Phew.

BoomBox Viral Buzz WordPress Theme
BoomBox – Viral at Buzz WordPress Theme

3. Authentic

Maliwanag at klasiko, ang Authentics ay angkop para sa lifestyle bloggers at magazines. At ang isang partikular na magandang punto ay ang antas ng support (kumuha ng sagot sa iyong pangalawang tanong sa loob ng tatlumpung minuto, sa oras ng trabaho).

Authentic - Lifestyle Blog Magazine WordPress Theme
Authentic - Lifestyle Blog at Magazine WordPress Theme

4. Redwood

Ang Redwood ay isang responsive WordPress theme na mayroong slider na may tatlong promo boxes sa itaas, na tamang-tama para sa pagpapakita ng iba’t ibang kategorya ng iyong magazine. Mayroon din itong limang ibat’t ibang blog layouts, kasama ang bersyon ng full width ng bawat layout at limang iba’t ibang post formats na angkop sa video posts, gallery posts, music posts at standard posts. 

Mayroon din itong custom widgets para sa Facebook at Instagram. At, profile at social widgets.  Kasama din ang madaling pagpipilian sa customization, kung saan maaari mong mabago ang  kulay ng iyong site (at branding) sa pagpindot ng button.  

Redwood - Responsive WordPress Blog Theme
Redwood - Responsive WordPress Blog Theme

5. Ang Voux

Ang Voux touts mismo ay makabago, propesyonal na magazine WordPress theme na parehong kumpleto at magaan. Ang theme ay responsive at retina ready, ibig sabihin magmumukha itong maganda kahit na ano pang device ang gamit ng mga tumtingin sa iyong content.

Ang ilan sa features ng theme na ito ay ang nakakatawag-pansing highlighted images na nakakatulong para makatawag ng atensyon sa iyong readers, infinite scroll, ang kakayahan nitong ibahagi ang iyong posts sa social media na nakakabit sa theme, at marami pang iba. At ang panghuli, ang The Voux ay mayroong Visual Composer kung saan maaari mong ganap na maiko-customize ang itsura at dating ng iyong pages.

The Voux - Comprehensive Magazine Theme
he Voux - Malawak ang saklaw Magazine Theme

6. Newstube

Ang NewTube ay malinis at organisadong theme na sakto para sa video oriented sites. Ito ay lubos na responsive, retina ready, na may kasamang flexible theme layouts, malawak na pagpipilian na  theme ,at nagsu-support ng videos mula sa maraming sikat na sites kabilang ang Youtube, Vimeo at Daily Motion. 

Sa video theme na ito, maaari kang mag pasa ng video mula sa front end, gumawa ng magandang video channels at playlists, o kumuha YouTube Videos at Channels papunta sa iyong website.

Newstube - Magazine Blog Video Theme
Newstube - Magazine Blog at Video Theme

7. Flex Mag

Ang Flex Mag ay nagtataglay ng unang disenyo ng mobile a nagbibigay sa iyong readers ng pagpipilian na tingnan ang mga artikulo na nakaayos ayon sa featured o bagong posts sa pamamagitan ng pangalawang navigation. Ang theme ay puno ng features na may kasamang custom Fly-Out Navigation, custom scoreboard, autoload posts, apat na iba’t ibang present skins, siyam na iba’t ibang pagpipilian sa Featured Posts,  walong iba’t ibang templates ng artikulo, mahigit 700 na Google fonts, integration sa WooCommerce and bbPress, at marami pang iba .

Ang theme na ito ang pinakabagay na kumbinasyon ng lakas at pagiging simple sa news at magazine theme sa WordPress, na nagbibigay ng maraming pagpipilian at flexibility para mai-customize ang iyong site nang hindi sobrang nakakalula.

Flex Mag - Responsive WordPress News Theme
Flex Mag - Responsive WordPress News Theme

8. Bimber

Ang Bimber ang saktong theme kung nais mo na gumawa ng site na katulad ng BuzzFeed. Ang Bimber ay responsive, SEO optimized, gumagana sa SEO plugins, nagagamit sa Google PageSpeed at may kasamang support para sa microdata at mayaman sa snippets at gayon din iba’t  ibang ad widgets. 

At karagdagan, ang theme ay maaaring mabilis na baguhin sa pamamagitan ng WordPress customizer at mayroon child theme kung saan walang panganib na mababago mo ang theme nang hindi kailangang mag-alala na mawala ang  mga nabago sa susunod na pagbabago ng theme. At higit sa lahat, mayroon itong isang click na nai-install na demos para gumana ang iyong site nang mabilis haggat maaari.

Bimber - Viral Buzz WP Theme
Bimber - Viral at Buzz WP Theme

9. Herald

Ang Herald ay propesyonal na WordPres theme na ginawa lalo na sa sites para sa mga balita at magazine. Ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng customization na may mahigit sa 500 na pagkakaiba-iba para sa listing layouts ng iyong artikulo, at gayon din maraming pagpipilian para matugunan ang iyong pangangailangan nang hindi na kailangan ng kaalaman sa coding.

Ang Herald ay nagi-integrate sa WooCommerce at bbPress and nagbibigay-daan ito sa readers na makapag-iwan ng marka sa iyong mga serbisyo o produkto. Ginagamit din ito sa bilis at sinisigurado na maglo-load nang mabilis ang iyong website. At nagsu-support din ito ng malawak na pagkakaiba-iba ng sukat ng image para siguraduhin na ang iyong images ay laging magandang tingnan.

Herald - News Portal Magazine WordPress Theme
Herald - News Portal at Magazine WordPress Theme

10. Goodlife

Ang Goodlife ay mayroong pitong iba’t ibang layouts na pagpipilian depende sa kung anong uri ng site ang iyong gustong gawin. Lahat ng homepage layouts ay responsive at mayroong tatlong iba’t ibang istilo ng header at smart ad areas.

Ang theme ay binubuo ng ilang iba’t ibang plugins katulad  ng Visual Composer, Viral Quiz Builder, Maintenance Pro, Essential Grid at Rankie, na nagbibigay ng karagdagang interactive features at kakayahan na gumawa ng kakaibang layouts. At higit sa lahat, ang Goodlie ay SEO at speed optimized na maraming pagpipilian sa pagku-customize.

Goodlife - Premium WP Magazine Theme
Goodlife - Premium WP Magazine Theme

11. Chirps

Sa 13 na iba’t ibang layouts ng artikulo,14 na kakaibang mga disenyo ng page, at pagpipilian na gumawa ng makulay na hilera at hanay, ang Chirps ay sadyang makakatulong para mangibabaw ka sa nakararami. Bawat element ay maaaring isa isang i-customize sa pamamagitan ng page builder.

Ang theme na ito ay may iba’t ibang layouts ng header, Google Fonts, title area overlays, kakayahan na maipakita ang review articles, at marami pang iba  Ang Chirps ay ganap na SEO optimized at ginawa nang mabilisan.

Chirps - Flexible WordPress Magazine Theme
Chirps - Flexible WordPress Magazine Theme

12. Falive

Ang lifestyle, fashion, at creative bloggers ay magugustuhan ang malinis at streamlined layout ng Falive. Sa Falive ay maaari mong i-customize ang mga kulay, fonts, padding, header layouts, at mas higit pa sa WordPress customizer.

Pumili sa pagitan ng full-width o boxed layout. O kaya maaari rin na, magdagdag ng sidebar, magdagdag ng halos kaparehong posts sa loob ng isa-isang posts at mag set-up ng inirerekomendang post na ipapakita habang ini-scroll pababa ng user. Ang pagiging simple ng setup ng Falive ay nagbibigay ng mas maraming oras sa paggawa  ng nakaka-enganyong content.

Falive - Beautiful Creative Fashion Blog Theme
Falive - Magandang Creative at Fashion Blog Theme

13. Jay

Ang Jay ay responsive magazine theme na may malinis na may modernong dating, na nagtataglay ng walong iba’t ibang layouts, kasama ang pagpipilian na parallax. Ang homepage ay nagtataglay ng malaking image na sakto para sa pagsalubong sa mga bumibisita sa iyong site na may custom na mensahe.

Higit na paggamit  sa iba’t ibang layouts at advanced na pagpipilian na disenyo para makagawa ng kahanga-hangang magazine website na biswal. Ang iba pang feautures ay shortcodes, ang post author section, katulad na posts section, infinite scrolling, custom Facebook, Instagram, Flickr, at Dribble widgets, aat marami pang iba. 

Jay - Elegant WordPress Blog Theme
Jay - Eleganteng WordPress Blog Theme

14. Bitz

Kung ang iyong website ay nakaasa sa paglathala ng pinaka-napapanahong balita, huwag ng tumingin sa iba maliban sa Bitz. Sa built-in functionality para sa cutom timing, malalaman ng iyong readers na ang iyong website ang dapat puntahan pra sa pinaka-napapanahong balita.  

Bigyan ito ng kapares na may review functionality na may mayamang snippets na  may magaling na front-end at back-end editor kung saan maaari mong i-customize kahit na anong aspeto ng iyong website (at tingnan ang mga pagbabago na ginawa mo dito), at mayroon kang sadyang magaling na theme sa iyong mga kamay.

Sinu-support din ng Bits ang nakakatawag-pansing labels ng artikulo, SEO, at mayroong WooCommerce integration.

Bitz - News Publishing WP Theme
Bitz - News at Publishing WP Theme

15. Examiner

Ang Examiner ay dinisenyo na flexible , user-friendly, na maraming customization na pagpipilian habang ito ay mabilis i-setup at gamitin pa rin. Ang theme ay mayroong maraming layout na pagpipilian, ang review system, at 24 custom widget areas kung saan maaari kang gumawa ng sadyang kakaiba at nakakatawag-pansing layout.

Ang Examiner Word Press magazine theme ay saktong theme para sa publishers at bloggers na gustong ibahagi ang kanilang hilig sa mundo, subalit walang oras o resources na makabuo ng bagay mula sa wala.

Examiner - Robust WP Magazine Theme
Examiner - Robust WP Magazine Theme

16. Master

Ang Master ay responsive magazine theme na hindi lang moderno at elegant subalit mayroon ding isang click na install at setup. Sa 10 ready-to-use demos, ang theme ay ginawa para gumana ang iyong website nang mabilis hanggat maari.

Ang Master ay nagtataglay ng limang iba’t ibang blog layouts, tatlong slider designs, nagbibigay ng iba’t ibang paraan para ipakita ang iyong mga kategorya, drag and drop page builder, multi-lingual support at marami pang iba. At ang panghuli, ang Master ay mayroong kumpletong online na dokumentasyon na puno ng screeshots at video tutorials para matulungan kang mai-setup ang iyong site.

Master - Premium Blog Magazine WordPress Theme
Master - Premium Blog at Magazine WordPress Theme

17. Voyager

Ang Voyager ay nagtataglay ng malinis at minimal na disenyo, na akma sa lifestyle, fashion, o travel blog  at/o portfolio site. Sa limang iba’t ibang mga disenyo ng homepage, ang theme ay mabilis na aakma sa iba’t ibang niches sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa iyong content.

Ang Voyager ay nagtataglay ng responsive design, integration sa WooCommerce, ay gayon din built in pop up form para mabilis mong mapapalitan ang iyong visitors ng subscribers. Ang Voyager theme ang pinakawastong mapipili para sa kahit na sino na ang pangunahing layunin ay padamihin ang email list.

Voyager - Creative Blog WordPress Theme
Voyager - Malikhaing Blog WordPress Theme

18. Metz

Ang Metz ay fashion-oriented editorial magazine theme na mayroong elegante at malinis na disenyo na may maingat na napiling typography na siguradong may dating sa babaing audience.

Ang pangunahing feature ng theme ay mobile friendly, responsive design, sleek slider na magagamit sa tatlong iba’t ibang posisyon, support para sa WooCommerce, limang iba’t ibang pagpipilian na laoyout, apat na iba’t ibang header views, at 13 custom widgets.

Metz - A Fashion Editorial Magazine Theme
Metz - Isang Fashion Editorial Magazine Theme

19. Magzilla

Ang Magzilla ay feature-rich theme na akma para sa sites para sa news, magazines, at magkatulad na blogs. Ito ay sadyang responsive, flexible, at modernong WordPress theme na ginawa para ipakita ang iyong content sa malinis, maliit, at nasa uso na paraan.

Sa theme na ito ay makakapili ka mula sa hindi limitadong mga kulay, hindi limitadong page templates, at mula sa maraming iba pang pagpipilian. At higit sa lahat, ito ay may multi-lingual at SEO support, Visual Composer, at kumpletong dokumentasyon para gabayan ka sa proseso ng setup.

Magzilla - For News Sites Magazines and Blogs
Magzilla - Para Sa Sites Para Sa Mga Balita, Magazines at Blogs

20Matador

Ang Matador ay malinis at eleganteng magazine theme na  maraming iba’t ibang layouts mula sa tradisyunal hanggang sa masonry hanggang sa slider-focused. Sinus-support din nito ang responsive design, kasama ang preset color schemes at shortcodes, na may maraming iba pang feauture para makapag simula ka kaagad.

At kung gusto mo na i-customize ang iyong site at gawin itong iyong sariili, sa malawak na pagpipilian na customization at 20 iba’t ibang widget areas ay makakagawa ka ng sadyang kakaibang disenyo.

Matador - Responsive News Blog Magazine Theme
Matador - Responsive News, Blog, at Magazine Theme

21. Read at Digest

Sa 14 iba’t ibang homepage layouts, apat na slider types, ganap na responsive design, at bold typography, ang Read at Digest ang iyong kailangan sa theme para makagawa ng makatawag-pansing website para sa magazine o balita nang biswal.

Sa  kasamang malawak na option panel  ay mabilis mong mababago ang kahit na anong pagpipilian sa magaling na paraan at magagawa  mo ang iyong website ayon sa iyong sariling kagustuhan.  Ang iba pang natatanging feature ay integration sa WooCommerce, Contact Form 7, at child theme para walang panganib na iyong mababago ang theme files kahit na anong oras.

Read Digest Theme - for Magazines Newspapers Blogs
Read at Digest Theme -para sa Magazine, Newspaper at Blogs

22. Soledad

Ang Soledad ay multi-concept na blog at magazine them na may mahigit sa 200 slider at kumbinasyon ng blog layout, tatlong sidebar layout styles, limang article layout styles, at anim na iba’t ibang layouts, na magbibigay sa iyo ng malawak na posibilidad para makagawa ng kakaiba at nakamamanghang disenyo.

Ang theme na ito ay mayroon ding kakayahn na magkaroon ng video backgrounds at WooCommerce support at maraming pagpipilian na customization, na siguradong matutuwa kahit na ang pinaka demanding na may-ari ng website.

Soledad - Multi-Concept BlogMagazine WP Theme
Soledad - Multi-Concept Blog/Magazine WP Theme

23. Paperback

Ang Paperback ay magazine-style na theme kung saan makakagawa ka nang mabilis ng maganda, nakaka-engganyong content na may images, galleries, video, audio, at marami pang iba. Ang Paperback ay lubos na responsive at customizable. Ito ay gumagana sa maraming sikat na plugins katulad ng Jetpack at Shortcodes Ultimate.

Ang theme ay may iba’t ibang homepage templates, content discovery features, premium Typekit typography, at ilang built-in color schemes, na magagamit mo kung ano man ang gamit nga mga ito o bilang panimula sa iyong sariling pagpapakita ng kulay.

I-set up nang mbailis ang iyong magazine website, news driven site, o professional blog sa matatag na WordPress theme na ito. At ilathala din ito nang maganda, may nakaka-enganyong content.

Paperback - Magazine WordPress Theme
Paperback - Magazine WordPress Theme

Magazine at Magaling na News Sites Practices

Ang paggawa ng nakakatawag-pansing magazine o news site nang biswal ay hindi madaling gawin. Maliban sa kailangang siguraduhin na ang theme ay sumusunod sa bagong magaling na practices, mayroon tatlong pangunahing bagay na dapat na iyong tandaan sa pagpili ng theme para sa website ng iyong magazine:

  1. Ang iyong content ay kailangang nasa unahan at gitna at madaling basahin sa lahat ng devices, kasama na ang assistive technologies.
  2. Hinihingi ng content na ipakita sa magandang paraan nang biswal na may nakatatawag-pansing imagery na tatawag ng atensyon ng mga bumibisita.
  3. Ang disenyo ay dapat organisado at nakabalangkas, sa halip na may dating na matrabaho at nakakalula.

Kapag nakapili ka na ng theme na akma sa nasa itaas na kailangan at nagbibigay ng features na iyong kailangan, ang iyong susunod na hakbang ay ang maayos na pag install at pag set up ng iyong bagong magazine WordPress theme. Mula diyan, wala ng limitasyon.

Piliin ang Pinakamagaling na WordPress Magazine Theme

Sa sobrang daming WordPress na nariyan, at pagiging kumplikado ng sites ng magazine at balita, ang pagpasya ng pinakamagandang theme para sa iyong website ay maaaring may ilang bagay na isasaalang-alang.

Pumili ng theme na aakma sa kailangan ng iyong branding, magpapakita ng iyong content sa istilo na kapareho ng iyong layunin sa disenyo, at nagpapakita nang maayos sa lahat ng devices.

Sa malawak na pagpipilian ng WordPress theme ng Themeforest ang iyong website ay gagana kaagad.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.