Unlimited Wordpress themes, plugins, graphics & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Web Design
  2. Web Typography

WordPress para sa mga Manunulat: Mga Tema para Mapalitaw ang Iyong mga Salita 

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Sa buong kasaysayan, ating nakita kung gaano kalaking epekto mayroon ang sulat na salita. Kung gamitin man sa pagdeklara ng kalayaan, magkalat ng mahalagang balita o gumawa ng bagong mundo sa kanilang sarili, ang mga salita ay mahalaga sa ating lahat.

Sa mas makabagong panahon, ang mga salita ay madalas napabayaan na–lalo na online. Sa pagdating ng mga nakasisilaw na web technologies at ang pagkalat ng broadband, ang websites madalas ay napapalibutan ng malalaking sliders, ads at iba pa. Kahit ang sites na maraming teksto ay mahirap basahin sa paraang malaya sa paggambala.

Nang isinasaisip ito, tayo ay tumingin sa ilang mga payo upang matulungang lumitaw ang iyong mga salita bilang pokus ng iyong website sa tulong ng ilang mahuhusay na mga tema ng WordPress.

1. Tanggalin ang mga Panggambala

Ang pagpapanatili ng iyong layout na walang kalat ay ang pinakanatural na paraan upang masigurong ang atensyon ay nananatili sa iyong pagsulat. Hindi ibig sabihin nito na hindi ka maaaring gumamit ng slider o mga litrato – ngunit ikaw ay dapat pumili nang wais.  Ang masyadong maraming paggalaw ay maaaring magpahirap upang magkaroon ng pokus sa nilalaman. Ang pagsama ng masyadong maraming malilinaw na mga larawan ay maaaring mag-alis ng atensyon sa iyong pangunahing mensahe.

Ang Preface ay isang tema na nakatutok para sa mga may-akda. At, habang ito ay mayroong kasamang slider para sa home page at gumagamit ng mga featured images para sa blog, ito ay nagagawa sa pinong paraan.  Ang Typography at parehong malaki at ang pokus ng layout. Sa pangkalahatan, ito ay madaling gamitin at basahin.

Preface
Ang Preface: Isang WordPress na Tema para sa mga May-akda

2. Gumamit ng Malinaw, at Maluwang na Headline

Ang paggamit ng malinaw na headline, na may sapat na pagitan upang makahinga, ay talagang maaaring magbigay ng epekto sa mga magbabasa. Habang kadalasan ang gamit ng maikli at direktang headline ay nagbibigay ng pinakamabigat na suntok, hindi laging ito ang pinakamakatotohanang opsyon para sa lahat ng uri ng nilalaman.  Ngunit ikaw man ay naglilimbag ng nagbabagang balita o nagtatampok ng mga maiikling kwento, ang pagtatanghal ng bawat pagpapaskil na may litaw na headline at a solid chunk ng real estate ay pinapayagan silang lahat ng kanilang sandali sa araw. 

Ginagamit ng Forte ang pilosopiyang ito nang mahusay. Ang bawat headline sa grid layout ng home page ay malaki, malinaw at may sariling espasyo gamit ang muted background images. It ay isang mahusay na halo ng paggamit ng typography at paglalarawan nang magkasama sa paraang magreresulta sa kapayakan. Naipapakita nito na, kahit sa paggamit ng malalaking larawan, maaari mo pa ring mapalitaw ang mga salitaw.

Forte - A Stylish WordPress Theme for Writers
Ang Forte - Isang Mabikas na Tema ng WordPress para sa mga May-akda

3. Magsaalang-alang ng Klasikong Layouts

Habang nakahuhumaling na gumamit ng mas kumplikado’t makabagong layouts, mayroon pa ring halinang tumutuon sa nilalaman sa mga mas tradisyonal na setups.  Ang pamantayang isa o dalawang hanay na layouts ay madaling sundan at ginawa nang nakasaisip ang nakasulat na salita. Habang hindi man ito kasingkahali-halina, ang blogs partikular ay nakikinabang pa rin sa makalumang “less-is-more” na paraan.

Ang Textual ay isang temang text-centric na nagdadagdag ng kaunting brutalistang disenyo sa klasikong blog layout. Ang headlines ay malalaki, ang mga links ay lumilitaw at ang katawan ay madaling basahin. Walang magarbo rito–ang mga bagay lamang na talagang mahalaga.

Textual - A Text-Centric WordPress Blog Theme
Ang Textual - Isang WordPress Blog Theme na Text-Centric

4. Gumamit ng Iba-ibang Paleta ng Kulay

May dahilan kung bakit, kung ang teksto ay madaling basahin, ito ay makakatulong na mapanatili ang atensyon sa iyong nakasulat na nilalaman. Ang pagsisiguro na ang teksto ng iyong site ay magpaghambing sa likuran ay isang napakahalagang hakbang sa parehong pagiging madaling basahin at pagiging madaling marating.  Bilang pasubali, ang una kong trabaho matapos ang hayskul ay sa isang local na dyaryo. Ang kanilang kasabihan ay ang malinaw at madilim na teksto sa maliwanag na likuran ay palaging kaaya-aya sa magbabasa. Iyon ay kasintotoo ngayon.

Ang WordMag ay gumagamit ng itim na teksto sa parehong puti at kulay abong likuran. Pinaghahalo nito ang magkabaligtarang kumbinasyon ng kulay gamit ang modernong tampok tulad ng CSS3 animations, parallax scrolling effects at isang grid-based layout.  Ang Typography ay isa sa mga pangunahing pokus ng tema, na sinusuporta ang parehong Google Fonts at Adobe Typekit.

WordMag - Typography Focused WordPress Magzine Theme
Ang WordMag -Temang WordPress Magazine na Nakapokus sa Typography

5. Magpalakas ng mga Gumagamit

Mayroong, syempre, kahit anong bilang ng paraan na maaari mong pilitin upang disenyuhan ang typography ng iyong site. Ngunit, kung ang iyong atensyon ay mas higit sa nakasulat na nilalaman, may mga bagay na maaari mong gawin upang mas lalong bigyang kapangyarihan ang mga gumagamit.  Bigyan sila ng mga gamit na maaari nilang gamitin upang mas matamasa ang pagbabasa. Kung ang isang tao ay mas komportable, maaari silang mas manatili!

Ang ReadWrite ay isang minimal na tema ng WordPress na nag-aalok ng mga kagamitan upang matulungan ang mga gumagamit na maiangkop ang kanilang karanasan sa pagbabasa.  Ang parehong laki ng font at pagkaiba ng kulay ay maaaring palitan ng gumagamit sa header ng site. Sa CSS, lalo mo pang maaaring ibahin ang mga tampok na ito upang bigyan ang mga dayo sa iyong site ng pinakamahusay na UX.

ReadWrite - Beautifully Minimal Writing Blogging WordPress Theme
Ang ReadWrite - Magandang Minimal na Pagsulat/ Blogging na Tema ng WordPress

Ang Pundasyon ng Mahusay na Disenyo

Kapag iyong inisip, ang teksto ay talagang naglalatag ng pundasyon para sa web design. Sa pagsikat ng World Wide Web, nagsimula pa ito bilang basehan ng lahat ng websites. Kasama ang ating kagustuhang patuloy na magdagdag sa pinakahuling kampanilya at sipol, tayo minsan ay napapauwi sa pagtulak ng teksto sa tabi bilang maliit na alalahanin.  Salamat, ang mga tema tulad ng mga naka-highlight sa itaas ay nakatulong upang dalhin ang teksto at typography pabalik sa harapan–kung saan sila nararapat.

Matuto pa tungkol sa typography Tuts+


Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.