Magsisimula Gamit ang Visual Composer
() translation by (you can also view the original English article)
WordPress ay ang pinakapaboritong CMS ng mundo dahil sa kanyang simpleng interface, madaling baguhing mga them at walang katapusang makapangyarihang mga plugin. Mayroon siyang pinasimpleng paggawa ng pook-sapot at pangangasiwa kahit sa mga baguhang gumagamit.
Subalit, may mga pagkakataon na nakakakita ka ng partikular na disenyo ng pook-sapot, na nakuha ang iyong interes, at gusto mong baguhin ang iyong pook-sapot para kapareho niya ang hitsura. Sa kasamaang palad, kapag ikaw ay sobrang baguhan, wala kang masyadong matatapos kahit sa WordPress, dahil ang mga pagbabago sa tema ay nangangailangan ng partikular na antas ng kahusayan sa HTML, CSS, PHP at iba pang mga kakayahan depende sa klase ng iyong tema. Pero kahit ikaw pa isang ekspertong coder, mangangailangan ka pa rin ng ilang oras para gawin ang mga gustong pagbabago.
Sa kagandahang palad, ang WordPress Visual Composer na plugin ay ginawang simple ang problemang ito. Gamit ang magandang plugin sa paggawa, kahit ang mga gumagamit ng Wordpress na kaunti lang ang alam ay pwedeng baguhing ang mga disenyo ng tema at gumawa ng kakaibang hitsura para sa kanilang pook-sapot. Para sa mga eksperto ng Wordpress, makakatipid sila ng oras at matutulungan sila sa pagbabago ng mga pahina sa loob lamang ng ilang minuto. Sa kabuuan, ang plugin ay naging malaking tagumpay na isinama sa ilan sa pinakahuling mga tema ng Wordpress.
Gamit ang ganitong background, ipapaliwanag ko sa inyo ang ilan sa mga pangunahing tampok na Visual Composer, at kung paano i-set up sa iyong WordPress na pook-sapot.
Mga Pangunahing Tampok
Ang Visual Composer ay dinisenyo ng mga lalaki sa Panaderya ng WP. Ito ay binabayarang plugin na hindi makikita kahit saan sa plugin na direktoryo ng WordPress. Pwede mong i-download sa CodeCanyon.



Ito ay nai-download na ng higit sa 70,000 na gumagamit at mukhang papunta na sa tagumpay! Ang Visual Composer ay maraming kapaki-pakinabang na mga tampok na makakatulong para maging masayang karanasan ang paggawa ng pahina sa WordPress. Ito ang ilan sa kanila.
Frontend at Backend na Paggawa ng Pahina



Ang pinakamakapangyarihang tampok ng Visual Composer ay binibigyan ka niya ng madaliang i-drag at bitawan na tagagawa na pahina na pwedeng gamitin mula sa batayang WordPress na pahina/post pagbabago na lugar o direkta mula sa frontend.
Pwede sa Kahit Anumang Tema



Ang Visual Composer ay hindi nakadepende sa tema. Ibig sabihin pwede mong gamitin sa kahit anumang tema ng WordPress nang hindi nangangailangan ng kahit anong pagbabago sa umiiral na kowd.
Pwedeng Baguhing Layout



Ang drag at bitaw na mga elemento ng Visual Composer ay may default na layout at tema. Subalit, pwede mo itong baguhin depende sa kulay at hitsura ng iyong pook-sapot.
Mahigit 40 na Handa ng Gamiting mga Elemento ng Disenyo



Ang drag at bitaw na interface ng Visual Composer ay may mahigit 40 na handa ng gamiting drag at bitaw na mga elemento na pwedeng gamitin para gumawa ng mga kakaibang layout para sa iyong pook-sapot sa loob ng ilang minuto.
Mga Elementong Sumasagot sa Iyong Pangangailangan



Ang mga elemento ng disenyo at pahina na ginawa gamit ang Visual Composer ay tumutugon sa iyong pangangailangan at pwede rin sa telepono.
Magugustuhan ng Developer Developer Friendly



Ang Visual Composer ay puno ng maigagalaw na drag at bitaw na elemento. Kung gusto mong magdagdag pa, pwede mo lang gawin salamat dahil na angkop para sa mga developer.
Pag-Install ng Plugin at Pagsasaayos
Tulad ng nabanggit ko kanina, ang Visual Composer ay isang binabayarang plugin. Kaya, kailangan mong bilhin muna ito at i-upload sa iyong WordPress na pook-sapot.
Hakbang 1
Ang proseso ng pag-install ay pareho sa ibang WordPress na plugin. Kapag napagana na, makikita ang plugin sa Settings na opsyon sa kaliwang menu sa pangunahing WordPress na dashboard.



Hakbang
Dito, pwede mong baguhin ang ilan sa mga batayang plugin settings.
Hakbang 3
Pwede paganahin ang Visual Composer sa parehong mga Pahina at mga Post, o alinman sa kanila. Pwede ka ring magtalaga ng mga karapatan sa access para sa mga indibidwal na mga uri ng gumagamit. Para sa bawat uri ng gumagamit, pwede mong piliing ipakita ang parehong Visual Composer lugar at sa batayang WordPress editor, o ipakita lamang sa Visual Composer. Pwede mo ring paganahin o hindi paganahin ang indibidwal na mga elemento ng Visual Composer para sa magkakaibang mga gumagamit.



Hakbang 4
Sa tab na mga Opsyon ng Disenyo, pwede mong baguhin ang hitsura at pakiramdam ng Visual Composer na mga elemento batay sa tema ng iyong pook-sapot. Ang Custom CSS tab ay pinapayagan kang baguhin ang CSS nang hindi pinapalitan ang anumang file, habang ang Lisensiya ng Produkto na tab ay pinapayagan kang isama ang iyong Envato akawnt para paganahin ang mga suporta at mga awtomatikong update. Sa Aking Shortcodes tab, pwede kang magdagdag ng mga karagdagang manwal na nagawang mga shortcode sa umiiral na listahan ng mga shortcode sa Visual Composer.



Ngayon punta tayo sa aktwal na paggamit ng
plugin!
Paggamit ng VC on sa mga Pahina at mga Post
Tulad ng nabanggit ko sa itaas, pwede mong paganahin ang Visual Composer para sa mga Post, mga Pahina o alinman sa kanila. Pagkatapos paganahin ang plugin, makikita mo ang Nakikitang Editor na tab sa itaas ng iyong batayang WordPress na editor ng teksto.



Ang dalawang mga tab na makikita sa itaas ng editor ng teksto ay ang Backend Editor at Frontend Editor. Ito ang mga opsyon na dahilang kung bakit masayang gamitin ang plugin na ito. Mula dito, pwede ka ng gumawa ng istraktura ng pahina na gusto mo. Magsimula tayo sa backend editor.
Backend Editor



Hakbang 1
Kapag pinindot mo ang Backend editor tab, ang lugar para sa editor ng teksto ay mapapalitan ng drag at bitaw na kahon kung saan pwede kang magdagdag ng mga elemento sa pamamagitan ng pagpili sa kanila mula sa listahan. Pero una, kailangan mong magdagdag ng hilera. Mula dito, ang bagay na nagiging limitasyon sa iyong disenyo ay ang iyong imahinasyon.



Hakbang 2
Pwede kang magdagdag ng iba't ibang mga elemento sa hilera at mamili ng iba't ibang mga layout para sa hanay para sa bawat hilera sa pamamagitan ng pagtapat ng iyong mouse pointer sa pindutan sa taas ng editor ng nilalaman. Pwede kang magdagdag ng iba't ibang mga elemento para lagyan ng disenyo ang iyong pahina mula sa Add element tab. Ang Add ng mga elemento na kahon ay naglalaman ng lahat ng kailangan niyo para disenyohan ang iyong pook-sapot.



Ang mga elemento ay nahati sa iba't ibang mga kategorya ng Nilalaman, Sosyal, Istrakture ng Pook-Sapot, Mga Bagong Elemento at mga WordPress na Widget, pero pwede mong makita lahat ng ito nang sama-sama. Alinmang opsyon ang kailangan mo, i-klik mo ito at i-drag sa iyong kahon ng nilalaman. Ang iyong pahina ay hinati sa iba't ibang mga hilera. Pwede kang magdagdag ng mga bagong hilera at bagong mga elemento sa loob ng mga hilerang ito.
Hakbang 3
Para baguhin, tanggalin o doblehin ang partikular na hilera, gamitin lamang ang mga icon sa itaas ng bawat kahon ng hilera.



Hakbang 4
Pwede mong i-save ang isang partikular na kaayusan ng nilalaman bilang template na handang gamitin na pwedeng i-load anumang oras mula sa listahan kapag kailangan mo.



Hakbang 5
Ang Visual Composer ay pinapayagan kang magdagdag ng custom CSS para sa mga indibidwal na pahina at mga post. Ang mga epekto nitong custom CSS ay lilimitahan sa partikular na pahina o post lamang.



Sinusuportahan ng Visual Composer ang maraming sikat na mga plugin ng WordPress tulad ng Contact Form 7, Layer Slider, Revolution Slider at Gravity Forms. Kapag mayroon kang na-install na alinman sa mga plugin na ito, awtomatiko silang maidadagdag sa Add ng elemento na kahon. Kapag pinili mo ang alinman sa kanila mula sa listahan ng mga elemento, direktang maipapasok sa iyong pahina nang hindi nangangailangan ng pagdagdag ng anumang shortcode. Ang backend editor ay binibigyan ka ng sobrang pleksibilidad at mga opsyon na pwede kang gumawa ng anumang uri ng disenyo kahit na baguhang gumagamit ka pa lamang.
Frontend Editor



Pinapayagan ka ng frontend editor na
mag-drag at bumitaw ng mga elemento ng pahina sa live na pahina na
pagtingin. Ginawang madali ang pagtingin sa epekto ng
mga pagbabago habang nasa iyo lahat ng mga opsyon ng backend editor.
Hakbang 1
Mula sa kaliwa, pwede kang magdagdag ng mga bagong elemento sa pamamagitan ng pagklik sa + na marka at baguhin ang layout ng hanay gamit ang hanay na pindutan sa tabi nito.
Hakbang 2
Pwede ka ring magdagdag ng mga bagong hilera o hanay mula sa + na marka sa loob ng pahina ng nilalaman.



Hakbang 3
Lahat ng mga elemento ng Visual Composer ay tumutugon sa iyong pangangailangan at pwede sa telepono. Pwede kang makakuha ng live na preview para sa iba't ibang mga device sa frontend editor mula sa mga icon sa ibaba.



Hakbang 4
Sa kabila ng mga tampok na ito at malawak na sakop ng mga elemento, and Visual Composer ay pinapayagan kang magdagdag ng sarili mong shortcode at mga elemento ng disenyo. Pwede mong gawin ang mga elemento nang mag-isa o i-import mula sa serbisyo ng pangatlong partido.



Sa buod
WordPress ay isang plataporma na kilala sa kanyang pleksibilidad kahit dati pa sa termino ng iba't ibang mga gawain na kaya nitong suportahan sa pamamagitan ng kanyang mga plugin. Pero sa Visual Composer tagagawa ng pahina na plugin, kahit ang aspeto ng disenyo ng WordPress, na dating limitado lamang sa magagaling na gumagamit, ay pwedeng mabago sa ilang oras lamang.
Para sa akin, nabawasan ng Visual Composer ang oras, na dati kong nilalaan para sa pagdisenyo ng pook-sapot ng kliyente at mga gawain sa pagbabago, mula sa maraming oras sa kaunting minuto. At sa tumataas na popularidad ng plugin na ito, ang nakikita ko lang ay mas dadami ang mga gumagamit ng Wordpress na aasa dito sa mga susunod na araw.