Gabay sa Figma Frame
() translation by (you can also view the original English article)
Ginagamit ang mga frame upang pagsama-samahin
ang mga layer sa ilalim ng iisang parent. Hindi katulod ng mga grupo, ang mga
frame sa Figma ay mayroon nang nakatakdang mga dimensyon (kagaya ng
HTML iframe
). Heto ang ilang magagandang gabay para sa pagtrabaho gamit ang mga
frame.
Panoorin ang mga Paalala
1. I-nest ang mga Object sa Pamamagitan ng Pagguhit ng mga Frame sa Palibot
Gamitin ang Frame tool (F) upang gumuhit ng frame sa palibot ng buong grupo ng mga object sa iyong canvas; agad silang magiging mga child object ng frame nang hindi kinakailangang manu-manong ilagay sa bagong frame.



2. Agarang Palitan ang Laki ng mga Frame Upang Magkasya
Kapag mayroon nang frame na nakapalibot sa grupo ng mga object, maaari nang pindutin ang Resize to Fit upang mahigpit ang pagkabalot ng frame sa buong grupo.



3. Paano Ibahin ang Sukat ng mga Frame at Nilalaman Nito
Awtomatiko na kung ibahin ang sukat ng frame, ang laman ay hindi maaapaktuhan ngunit mapuputol. Ngunit kung gusto rin ibahin din ang sukat ng laman, kunin ang Scale Tool (K) at ibahin ang sukat ng frame; lahat ng laman ay sabay na mag-iiba rin ng sukat.



4. Gumamit ng mga Limitasyon sa mga Laman ng Frame
Maaaring gumamit ng mga limitasyon upang kontrolin ang pagkilos ng child object sa pag-iba ng sukat ng parent frame nito. Awtomatiko na kapag iniba ang sukat ng frame sa paghila ng babang kaliwang kanto na handle, lahat ng laman ay mananatili sa parehong pwesto, batay sa kanang taas na kanto. Ngunit sa pagpili ng child object at pag-iba ng mga halaga sa Constraints na panel, maaari itong padikitin sa kahit anong dulo o kanta.



5. Pagpili ng Maraming Constraint
Maaaing pumili ng constraint sa lahat ng panig ng object. Kaya imbis na idikit sa kanto o dulo ang child object, maaari itong ilagay sa lahat na apat na panig ng parent frame, upang mabisang pahabain sa lahat ng direksyon.



Mga Mapagkukunan ng Karunungan sa Figma
Iyon ay ilang mabilis sa gabay sa paggamit ng mga frame sa Figma. Para sa iba pang gabay, tignan ang aming serye ng mga kurso:
- UI DesignPagpapakilala sa FigmaAdi Purdila
- FigmaLagpas sa mga Batayan: FigmaAdi Purdila
- FigmaIsang Gabay sa Pagtulad sa FigmaAdi Purdila
- Maiinit na paalala upang Carmel DeAmicis at Valerie Veteto para sa kanilang regular na mga paglilikom ng mga paalalang pangkomunidad — pumunta at tingnan ang mga ito!
- blog.figma.com
- www.figma.com
- Groups & Frames: Figma docs
Ang UI kit na ginamit sa tutoryal na ito ay tunay na babagay sa Figma at ito ay makikita sa Envato Elements:


