Ang Figma na Proyekto, Page & mga Payo tungkol sa Artboard
() translation by (you can also view the original English article)
Binabati namin kayo sa susunod na serye ng mga payo at mga diskarte tungkol sa Figma! Ngayon naman pagbubutihan natin ang inyong paraan ng paggamit ng mga proyekto, mga page & mga artboard.
Panoorin ang mga Paalala
1. I-customize ang mga Project Thumbnails
Posibleng gumawa ng mga custom project thumbnail na lalabas sa iyong dashboard draft area. Tiyakin na ang unang pahina ng iyong dokumento ay may iisang frame na 620x320px, at pagkatapos punuin ang frame ng anumang ninanais mong nilalaman para sa iyong thumbnail.



2. Mga Keyboard Shortcut para makalipat sa mga Page
Mas napapabilis kung ang paglilipat sa pagitan ng mga Page ay gumagamit ng isang keyboard shortcut. Sa Mac OS gumamit ng fn + up o down arrow keys, at sa PageUp o PageDown.



3. Mga Keyboard Shortcut para makalipat sa mga Artboard
Posible rin ang magpalipat-lipat sa mga artboard gamit ang keyboard. Sa Mac OS gumamit ng fn + up o down arrow keys, at sa Windows o Linux Home o End.



4. Magpalipat-lipat at i-Zoom ang mga Artboard
Sa default, kung ikaw ay nagpalipat-lipat sa mga artboard gamit ang mga keyboard shortcut ang mga ito ay mananatili sa parehas na zoom level. Subalit, sa pagpindot ng n o SHIFT + n, ikaw ay palipat-lipat sa kaliwa o kanan, habang nag-zozoom nang awtomatiko sa buong artboard.
5. Pagandahin ang Artboard Boundary Visibility
Kung ikaw ay may mga artboard na may parehong background na kulay tulad ng iyong buong dokumento magiging mahirap na makita ang mga dulo ng mga frame. Halimbawa, ang iyong artboard ay isang nangungunang frame, para mabigyan ito ng solusyon pumunta sa View menu at buksan ang Frame Outlines.



Mga Mapagkukunan ng Karunungan sa Figma
Ang mga iyon ay ilang mabibilis na mga paalala para sa paggawa sa pamamagitan ng mga vector sa Figma. Upang matulungan kayo na madala ang mga bagay sa kasunod na antas mayroon kaming mga serye ng mga kurso ng Figma sa Tuts+:
- UI DesignPagpapakilala sa FigmaAdi Purdila
- FigmaLagpas sa mga Batayan: FigmaAdi Purdila
- FigmaIsang Gabay sa Pagtulad sa FigmaAdi Purdila
- Maiinit na paalala upang Carmel DeAmicis at Valerie Veteto para sa kanilang regular na mga paglilikom ng mga paalalang pangkomunidad — pumunta at tingnan ang mga ito!
- blog.figma.com
- www.figma.com
Ang UI kit na ginamit sa tutoryal na ito ay tunay na babagay sa Figma at ito ay makikita sa Envato Elements:


