Mga Paalala para sa Figma Vector
() translation by (you can also view the original English article)
Ang mga Vector ay importanteng bahagi ng anumang UI o aplikasyon ng tularang disenyo, at ang Figma ay may sariling malakas at walang katulad na pangkat ng kasangkapang vector.Andito ang ilan sa mabilis na paalala at pinakamahusay na paraan upang matulungan kayong gamitin ang mga ito ng mas mabisa.
Panoorin ang mga Paalala
1. Gamitin ang mga Network ng Vector para sa mga Masalimuot na Hugis
Ang figma ay may ilang pangunahing walang katulad na mga tampok na vector, hindi pinakamaliit sa mga ito ang “mga network ng vector”.
Halimbawa, kung mayroon kayong isang masalimuot na polygon katulad ng bituin, piliin ito, pagkatapos ay pindutin ang buton ng i-Edit ang Bagay upang i-edit ang ukol at daan ng mga ito. Karaniwan, sa lahat ng ibang aplikasyon ng mga disenyo ng vector, ang ukol ay maaring magkaroon ng higit sa dalawang linya na nagmumula dito. Ang Figma, sa kabilang banda, ay pinahihintulutan tayong gamitin ang Kagamitang Panulat upang makaguhit ng dagdag na linya mula sa bawat punto, marahil kahit pa pagsamahin ang dalawang mga punto. Bigyang pansin ang kuha sa screen na nasa ibaba upang makita kung paano na ang bawat panloob na ukol ay mayroong tatlong linya na nagmumula dito, epektibong gumagawa ng karagdagang hugis na nakapaloob sa orihinal na poligon.



2. Direktang Idikit ang SVG Code
Ang tampok na ito ay talagang nakakatulong. Ang Figma ay pahihintulutan kayong kopyahin ang SVG code mula sa panlabas na pinagmulan, pagkatapos ay idikit ito sa Figma–makagagawa ito ng layer na vector para sa inyo na may nilalamang SVG.



3. Kopyahin ang mga Vector bilang SVG Code
Pumili ng anumang vector sa inyong disenyo, pagkatapos ay pindutin ang kanang-pindutan upang mailagay ito sa mga pagpipiliang konteksto. Pumunta sa Kopyahin bilang > Kopyahin bilang SVG at pagkatapos ay makukuha ninyo na ang SVG code sa inyong clipboard, handang idikit ito sa anumang proyektong web na inyong ginagawa.



Mga Mapagkukunan ng Karunungan sa Figma
Ang mga iyon ay ilang mabibilis na mga paalala para sa paggawa sa pamamagitan ng mga vector sa Figma. Upang matulungan kayo na madala ang mga bagay sa kasunod na antas mayroon kaming mga serye ng mga kurso ng Figma sa Tuts+:
- UI DesignPagpapakilala sa FigmaAdi Purdila
- FigmaLagpas sa mga Batayan: FigmaAdi Purdila
- FigmaIsang Gabay sa Pagtulad sa FigmaAdi Purdila
- Maiinit na paalala upang Carmel DeAmicis at Valerie Veteto para sa kanilang regular na mga paglilikom ng mga paalalang pangkomunidad — pumunta at tingnan ang mga ito!
- blog.figma.com
- www.figma.com
- SVG Car ayon sa Yoksel sa CodePen